Patterns Tumblr Themes
KRITISISMO SA PILING AKADEMIKONG PAPEL UKOL SA WIKANG PAMBANSA

Sa artikulong mga binasa ay tinalakay ang mga kayang gawin ng wika. Sinasaad na ito ay makapangyarihan sapagkat ito ay may kakayanang maka apekto ng matindi sa pamumuhay ng tao. May abilidad rin itong kontrolin at baguhin ang mga pangyayari ayon sa pag gamit nito sa isang sitwasyon. Ipagpalagay na natin ang pag gamit nito bilang instrument sa pakikipg-usap at kasundo ng Presidente sa pinuno ng ibang bansa na kanyang bibisitahin. Ang wika ang pinaka naguugnay sa kanila, at sa paggamit nito naka depende ang kakalabasan ng kanilang usapan. Maari silang magkaintidiha, magkalabuan, at mauwi sa pagkakagalit na maaring magdulot ng isang matinding gulo sa bansang pinamumunuan ng bawat isa. Isa pang halimbawa ng pagpapamalas ng wika ng kanyang kapangyarihan ay ang paggamit nito sa pangangampanya ng mga tatakbo sa eleksyon. Sa unang pagtingin ay tila magaling ang pagkontrol ng mga kandidato sa kanilang mga salita ngunit ang katotohanan ay ang mga salitang ito ang kumokontrol sa mga kandidato at sa tao sapagkat nakasalalay sa bawat salita, sa kabuohan ng wika, ang kahahantunan ng usapin at pasya ng mga tao.

Hindi makakaila na ang wika ay makapangyarihan sa maraming aspeto. Ngunit hindi natin nakikita ang kahalagahan nito at marami tayong maling pananaw ukol ditto. Itong ganitong uri ng pagiisip ay humantong sa maling kamalayan at gamit ngayon sa wika. Nariyan ang maling pag-iisip ng mga Pilipino sa wikang Ingles! Ito ay tinitignan bilang mas nakatataas na wika sa wikang Filipino. Kadalasan, an gating reaksyon kapag tayo ay nakarinig ng isang taong nagsasalita gamit ang Ingles, tayo ay hahanga at iisipin agad nating maganda ang kanyang pinagmulan at siya ay may pinag aralan. Isa siyang mayamang tao na hindi dapat makihalubilo sa mga mal-edukado.  Makapangyarihan siya, at tayong lang na hindi magaling sa pagsasalita ng wikang Ingles ay mas mabababa sakanya at walang karapatang makipag usap o dumikit lamang sa kanya. Ang wikang Filipino ngayon ay lumalabas ng wika ng mga taong hindi nakapag aral, ng mga mahihirap, mangmang, iskwater, ng mga palaboy, at ng mga taong walang masyadong kaya sa buhay. Kapag ikaw ay gumamit ng Filipino sa pagsagot sa Ingles na tanong ng iyong guro, ikaw ay tatawanan sapagkat hindi ka magalin mag Ingles. Hindi mo kayang saguting ng Ingles ang tanong na Ingles dahil hindi mo kayang bigkasin ng mayo sang wika na ito. Lalabas ka ngayon na nagmula sa mababang uri ng paaralan kung saan pati ang mga guro ay hindi alam wikain ng maayos ito. Samantala, kapag nakasagot ka ng Ingles ay papalakpalkan ka ng buong klase at sila ay hahanga sa iyo. Matalino ka at nag aral sa prestihiyosong paaralan.

Grabe na lamang ang diskriminasyon sa wikang Filipino. Kung iisipin, nakakahiya na tayo mismong dapat tumatangkilik at nagpapausbong nito, ang siyang kumukutsa dito. Malaki ang naging epekto ng ating mga pag-iisip na nahasa ng mabuti ng mga banyag. Maari ngang tayo ay may may sariling gobyerno at mamumuno, hindi tayo maaring tawagin na lubos na malayang bansa sapagkat ang ating mga utak ay nakatanim parin sa lupa ng mga banyaga. Wala tayong sariling pagkakilanlan. Isa ito sa mga kapangyarihan ng wikang nagdulot ng maling pagikot n gating mga pagiisip. Kagaya ng sinabi ko, ang wika ang kumokontrol sa tao at hindi ang tao sa wika.

Dito natin makikita ang maling pagkatuto ng mga inaakala nating mga tunay na edukado at may pinag-aralan. Tayo ay nakikinig at nagpapauto sa mga nakataas sa pagaakalang ang kanilang kaalaman ay mas malawak kasya sa atin dahil lamang sa galing ng kanilang pag gamit sa wika, Ingles man o tagalog. Ang mga inaakala nating mga intelektwal ay hindi tunay na intelektwal sapagkat ang kanilang mga pag iisip ay nakapaloob lamang sa kanilang sariling pagunawa at opinyon. May hangganan ang mga pag-iisip kaya naman ang mga tunay na problema ay hindi nabibigyang solusyon. Ang sitwasyon nating ngayon sa Pilipinas ay isang produkto ng isang nasyong binubuo ng mga nagkukunwaring tunay na marunong. Walang nararating ang mga tao at hindi umuunlad ang nasyon dahil sa pagkakanya- kanya ng mga tao, sa pagaakalang  wala na dapat sila pang ibang paniwalaan at pakinggan! Sapagkat sila ay nasanay na ganitong uri ng pagkatuto dahil ito ang itinuro sa kanila. Sa paggamit ng banyagang wika ay hindi natin naiilalabas an gating mga nais sabihin at sa halip, ito ay natatabunan n gating pagnanis na maipahayag an gating damdamin sa wikang Ingles. Nalilimitahan ang mga salitang ating ginagamit at dahil doon ay hindi na tayo nag iisip pa ng mas malalim dahil hindi rin naman natin ito maipapahgayag at magagamit. Ang ating pagiisip ngayon ay nasanay na mag pokus sa isang kaalaman lamang na hindi naman makatutulong sa bayan at hindi rin sa sarili.

Ang pag-unlad ng wika ay nakadepende sa pagpapahalaga ng mga taong gumagamit nito. Kung ito ay ituturing na kayamanan ng sarili nitong mamamayan, ito ay magagamit sa tamang paraan at makatutulong sa pagtayo ng isang matatag na nasyon at ekonomiya. Maipapamalas nito ng maayos ang kanyang kapangyarihang baguhin ang pamumuhay at pananaw ng gumagamit nito.

            Sa aming konklusyon, masasabi naten na ang batayan ng isang wika para hindi makatanggap ng diskriminasyon sa mga dayuhan ay pagpapahalaga ng mga taong gumamagamit neto, pagtuturo sa mga dayuhan ng ating sariling wika imbes na tayo ang kumausap sa sarili nilang wika at tayo mismo ay gamitin ito sa pangaraw-araw nateng buhay.

            Kung iisipin naman kase naten, kaya naman tayo natuturing na isang nasyon na may mababang uri ng wika ay dahil tayo din mismo ay hirap na makaintindi ng ating sariling salita. Simpleng mga bagay ay hinahaluan naten ng mga salitang banyaga. Tapos pag tayo ay nasabihan ng masama sa pag-gamit ng ating wika, tayo pa mismo ang galit. Mga Pilipino nga naman, tila ba ay ‘di alam na tayo din ang gumagawa ng sarili nateng mga problema.

            At bakit nga ba pag may dumadating na dayuhan sa ating bansa, hirap na hirap tayong kausapin sila sa sarili nateng wika kung puwede namang sila mismo ang mahirapan sa ating wika. Ano nga ba yung kasabihan na iyon? “Kung ikaw ay nasa Roma, gawin din ang ginagawa ng mga Romano.” Sila ang nasa ating bansa, sila ang nasa ating teritoryo, dapat sila ang matuto makipag-usap sa atin gamit ang ating wika.

            Noon ay maari pa siguro naten mapalago ng mas maayos ang ating wika, simple lang ang mga utak naten noon. Hindi pa naten pinapa-kumplikado ang ating mga buhay. Kaso ngayon, suwertihan na lang pag may nakita kang dayuhan na marunong mag-salita ng ating wika. Kung tutuusin, normal na sa atin ang magsalita ng wikang banyaga dahil kahit sa eskuwelahan, eto ang ginagamit na wika sa pagtuturo sa aming mga estudyante. Dahil na din siguro sa hindi pagpapa-halaga sa ating sariling wika, dito nagsilitawan ang mga salitang balbal na tila ba ay ginagawang katawa-tawa ang wikang Filipino. Mga Jejemon, Bekimon, at kung anu-ano pang mga grupo ng kabataan na gumagawa ng sariling bersyon ng ating wika.

            Sa unang tingin, tila ba ay nakakatuwa. Mapapakita naten na malikhain ang mga utak ng batang ito at nagawan nila ng sariling bersyon ang ating wika. Kaso di kalaunan ay napansin natin na ito ay isang malaking lokohan na lamang. Ito ay nagpapakita ng kawalan ng matinong edukasyon sa ating bansa. “Eow PhousZZ.” Anung kalokohan ito? Saang parte ng mensaheng ito ang nakakatuwa at nakakagiliw tignan? Isa pang dahilan na maari kong masabi para sa mga gantong uri ng pananalita ay dahil na rin siguro sa pag-rerebelde ng mga kabataan ngayon. Nasasanay silang gumamit ng teknolohiya ngayon kaya gumagawa sila ng paraan upang mahiwalay sa ating komyunidad.

            Noong panahon pa lamang ng mga mananakop, nahirapan na tayo na gamitin ang sarili nateng wika. Espanyol, Ingles at Hapon. Kapirangot na bilang ng taon lamang ang naranasan nateng mga Pilipino para malayang gamitin ang ating sariling wika. Masyado tayong na-impulwensyahan ng mga mananakop kaya tayo ay nasanay na mas maintindihan ang isang librong gawa sa Ingles na salita, kesa sa librong gawa sa ating sariling wika.

            Kung tatanungin ang mga kabataan ngayon, masasabi kong mas maiintindihan pa ng mga bata ang Harry Potter kesa sa Noli Me Tangere.

            Bakit nga ba mas gusto naten ang wika ng iba? Bakit mas sanay tayo na wikang banyaga ang gagamitin pag nag-kukwento sa ibang tao? Bakit mas sanay tayo na ibahagi ang mga gusto nateng sabihin gamit ang wikang Ingles? Bakit minsan mas alam pa naten ang wikang Aleman at wikang Hapon kesa sa ating sariling wika?

            Bakit nga ba?

            Tumingin tayo sa ating paligid. Anu ang mga nakikita naten? Produktong Intsik, kagamitan ng Hapon, pagkaing Pranses, at kung ano-anong pang mga bagay na galing sa ibang bansa. Tayo mismo ang mgay dahilan kung bakit nagkaka-ganito tayo sa ating mga Pilipino. Pagkagising nalang naten, mas gamit agad naten ang mga bagay mula sa ibang bansa kesa sa ating sariling bansa. Pagkapasok ng eskuwelahan, wikang dayuhan agad ang ating gagamitin. Pag umalis ng klasrum at nakipagusap sa mga kaklase, wikang Jejemon at Bekimon ang gagamitin. Minsan magugulat na lang tayo, may mga kumakanta pa gamit ang mga kanta ng ibang bansa. OPPA GANGNAM STYLE! ♪♫

            Wag tayo ngayon mag-taka kung bakit kahit ang wika naten ay hindi umuunlad. Ito ay dahil sa ating maling pagpapahalaga sa sariling atin. Wika naten ito, bakit hindi naten ito gamitin? Bakit ang wika ng iba? Tapos ngayon magtatanong tayo, bakit ganto ang bansa naten? Eh kung ngayon pa lang, sanayin mo na ang sarili mo na gamitin ang wikang Filipino sa pangaraw-araw mong gamit?

            Simple lang naman ang mga kasagutan sa mga problema naten. Nasa harapan lang naten, ngunit pinipilit naten na tumingin sa iba. Parang pag-ibig, hanap ka ng hanap ng iba. Nasa harapan mo lamang pala ang solusyon sa iyong problema. Ay, hindi pala “parang” pag-ibig. Pag-ibig na pala ang pinaguusapan naten.

            Pag-ibig sa ating sariling wika.